Miyerkules, Oktubre 5, 2011

FUNCTION

Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Anumang pagkakahwig sa sinuman ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
*********************************************************************************
October 17

"Anong seksyon ang masarap? DAOlicioso! Bumili na kayo ng mga ticket para sa aming function!" sumisigaw ang mga Senior students para sa kanilang main project sa PA.

"Carlo, anong problema mo?" lumapit sa akin ang bestfriend kong si Andrei.

 "Namomroblema ako, paano ko sosorpresahin si Aileen sa anniversary namin? Bukas na iyon. Gusto ko maging special kasi first year anniversary namin ito." ang tangi kong nasabi sa kanya.

"Alam mo bakit hindi ka magpareserve sa mga fine dining restaurants? Doon romantic at siyempre makakapagsarili kayo. Mayaman ka naman eh. Kaya mo yan!" ang sagot sakin ni Andrei.

 "Pare, alam mo namang wala na akong time, maraming kailangan, may speech para sa SF, Monologue sa English, Synthesis ng Merchant of Venice, at siyempre, deadline ng Article Review sa Social, hindi ko pa natatapos ang parte ko dun. Hayy, alin kaya ang mas mura at hindi hassle na paraan?"

"ROMANTIC lunch? A place for LOVERS? uhmm, siyempre Good Quality Food? Dito lang yan sa DAOlicioso, ang piankamasarap na seksyon!"

"Pare, narinig mo iyon?" tanong sakin ni Andrei.

"Oo tingin mo sakin, alam ko na kung ano ang pwede kong gawin."

"Sabi ko naman saiyo Carlo diba, haha."

"ATE, pabili po ng tiket, dalawa po" sigaw ko sa nagbebenta ng tiket.

"O siya panu yan, may klase pa ko sa PA, magkakalikot na naman kami ng kuryente. Babay!" ang sabi ko bigla kay Andrei.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Papunta na ko sa klase ko kay Sir Dimatibag, ay sh*t, malelate nako. Pagdating ko. "Magandang hapon po, Sir Dimatibag!"

"O Mr. Valencia, bakit ka late? Umupo ka na." pambungad niya sa akin.

"Ngayon kailangan niyo ng gawin ang Job 6. Magsisilbi iyong quiz, bibigyan ko kayo ng problems at kailangan niyo itong isketch at idemo sa akin. Maliwanag ba?"

"Opo Sir!" sigaw ng seksyon namin.

Una kong ginawa ang sketch, ipinacheck at gumawa na ako ng actual exercise.

Noong ginagawa ko na ang actual exercise, ang surpresa ko pa rin at regalo ko para kay Aileen ang iniisip ko hanggang matauhan ako ng makuryente ako bigla.

Napasigaw ako. Tatangatanga kasi ako, sinaksak bigla ang kurdn nag hawak ko ang mga wires. Sinong tanga?

Tinapos ko na lang yun ulet. Pinacheck at umalis na. Uwian na rin kasi namin.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hinihintay ko ang labasan ng Calcium, tapos na kasi kaming Gold sa klase. Bakit kasi ang tagal silang palabasin ng teacher nila sa Geometry.

Pamaya-maya, nakita ko na ang Calcium. Nakita ko na rin si Aileen.

Sinamahan ko siya, at gaya ng lagi naming ginagawa ay kuwentuhan sa nangyari ngayong araw.

"Alam mo ba, ang hirap ng test sa Geom, grabe nalaglag utak ko nung sinasagutan ko iyon!" ang rinig kong sabi niya sa akin pero ako tahimik lang, iniisip ang gagawin ko sa araw ng aming anniversary. At kung ano ang ibibigay ko sa kanya.

Tila napansin niya ata ako.

"Bakit ka tulala? May problema ba."

"Ha, wala malalim lang ang iniisip ko, monologue ko na bukas."

"Ah ganun ba makinig ka muna sa akin."

"Anu nga ba ulet sinasabi mo?"

"Ayon na nga mahirap test sa Geom tapos nadulas pa si Sir kanina, natawa kami." Pinabayaan ko na lang siya magkuwento ng magkuwento, hanggang dumating na ang driver nila. Umalis na ako at baka mahuli pa.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pag-uwi ko gumawa ako ng listahan ng mga gagawin. Gumawa ako ng anniversary message para sa kanya. Siyempre ipinrint ko iyon. Bumili muna ako ng teddy bear na sinasabi niyang gusto niya. At siyempre binilhan ko siya ng paborito niyang tsokolate.

At pagkatapos nun natulog na ako.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
October 18

Kinabukasan sinadya kong huwag pumasok sa Chemistry at Algebra, para saktong lunch na ako dumating.

Dumaan muna ako sa Flower Shop at bumili ng mga bulaklak, dala-dala ko na rin ang mga gagamitin kong surprise.

Una kong nilapitan si Andrei.

"Pare handa na mga gamit ko, tulungan mo naman ako oh."

"Oo naman, sakto wala kaming teacher sa Pinoy, kaya di natuloy yung test namin sa Noli Chapters 11-15"

"Ganito iyan gusto ko......" sinabi ko na lahat ng plano ko sa kanya. At umOo naman siya.

Hinintay ko ang labasan ng Calcium mula sa Social. Lumabas na sila at tila hinahanap ako ni Aileen, lumapit sa akin bigla ang bestfriend niyang si Karen.

"Nagtatampo, na iyon sa iyo, bakit daw di ka pumasok, umiiyak kaya siya kanina." sabi niya sa akin

"Ako ang bahala."

Sinalubong ko si Aileen sa may flag, di siya umiimik.

"Wala ka bang naalala?" ang tanong niya sa akin.

Sinadya kong hindi sumagot bagkus ay hinila ko ang kanyang kamay at sabay pumunta sa Function ng Dao.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagpareserve na ako ng dalawang silya para sa amin. Nagbayad na ako ng iba pang charge para sa music para magmukhang romantic.

Pumasok na kami sa loob ng Multi, at doon ay umupo kami sa isang nag-iisang mesa sa sulok para masolo ang moment.

"Hi I'm Ria, here's your food, enjoy!" binigay na samin ang aming pagkain.

Pamayamaya pa ay kinanta na ang favorite song niya na naging theme song na rin namin na "God Gave Me You"

Maluha-luha na siya. Pero di pa rin siya umiimik. Hinintay ko munang matapos ang pagkain niya.

Pagkatapos ay dinala ko siya sa gitna ng Boston, naroroon ang mga kinutsaba kong mga estudyante ng Dao para sorpresahin siya. Pumarada sila dala-dala ang bulaklak, chocolates, at banner message na ipinadala ko. Na may malaking "Happy Anniversary I Love You".

Hindi makapag salita si Aileen. Hanggang sa niyakap na lang niya ako. Nakatingin ang marami sa amin.

"Hindi pa ito ang ine-expect ko sa iyo! Nabigla ako, salamat ha Happy Anniversary, I love you. :)" sabi niya sa akin habang naiiyak.

Bumulong ako sa kanya ng "Happy Anniversary, I love You too!" at niyakap ko na rin siya.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE END







Hello Everyone

 Hindi ko na sasabihin kung anong level na ako. Basta ayun, magpopost ako ng mga kathang isip na kuwento. Anumang mailalathala rito ay pawang kathang-isip lamang. Kung may kaugnayan sa sinuman, ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.